Submitted by RM Staff on

Sa pagdiriwang ng Valentine’s Day, ipinamalas ng Pambansang Pangasiwaan ng Patubig (National Irrigation Administration) Region 2 ang diwa ng tunay na pag-ibig sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross-Cagayan Chapter sa pangunguna ni Dr. Angel Lan Baloran.
Ang inisyatibang ito, sa pangunguna ni Engr. Raymundo B. Apil, Regional Manager, ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga lingkod bayan na ipakita ang kanilang walang pag-iimbot na pagmamahal at pagsasakripisyo sa pamamagitan ng donasyong dugo para sa mga nangangailangan.
Ang mga kwalipikadong donor mula sa Cagayan-Batanes Irrigation Management Office (CBIMO), Regional Office, at Isabela IMO ay sumailalim sa screening at matagumpay na nagbigay ng 450ml ng dugo bawat isa. Nakiisa rin sa makabuluhang aktibidad na ito ang Aviation Security Explosive Ordinance Disposal and Canine Unit (AVSECU) 2.