Submitted by admin on

Ito ang tema sa matagumpay na Stakeholders’ Convergence Forum Cum IA Congress na idinaos kahapon lamang sa Casa Jardin, Santiago City, Isabela. Naging panauhing pandangal si Senadora Imee R. Marcos at Administrador ng Pangasiwaan ng Patubig, Engr. Eddie G. Guillen sa nasabing aktibidad na inorganisa ng Magat River Integrated Irrigation System (MARIIS) at NIA Rehiyon II para sa mga magsasaka.
Ang mahalagang pagkakataong ito ay may layuning paigtingin ang alyansa ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang aktibong isulong ang mga plataporma at proyektong makatutulong sa pamumuhay ng mga magsasaka at tugunan ang mga hamon na humahadlang sa pagkamit nito. Ang mga magsasaka ay nagsisilbing pangunahing kapanalig ng administrasyon sa pagkamit ng progresibong pagsasaka at seguridad sa pagkain at nutrisyon. Siniguro ni Senadora Marcos ang buong suporta ng administrasyon lalo na sa sector ng agrikultura. Tinalakay naman ni Engr. Guillen ang kasalukuyang estado ng Executive Order No. 138, s. 2021 at kahilingan ng mga magsasakang madagdagan ang operations and maintenance subsidy. Ayon sa kaniya, kaniyang iminungkahi na higitan ang P150 at gawing P700. Nabanaag sa mukha ng mga Irrigators’ Associations (IA) ang tuwa na mapakinggan ang kanilang boses upang ipahayag ang kanilang mga hinaing at kahilingan.
Sa pagdalo ni Governor Rodolfo T. Albano III kasama ang mga Mayor at kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Isabela, 4th District Representative Joseph S. Tan, 6th District Representative Faustino “Inno” Dy, National Government Agencies (NGAs): Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior & Local Government (DILG), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Agriculture (DA), Philippine National Police (PNP) at iba pa, NIA MARIIS Department Manager Engr. Gileu Michael O. Dimoloy II, NIA Region II Manager Engr. Raymundo B. Apil at mga Irrigation Management Office (IMO) Managers: Engr. Felipa S. Sumer (Nueva Vizcaya and Quirino), Engr. Edison L. Tolentino (Isabela), and Engr. Geffrey B. Catulin (Cagayan-Batanes), NIA Central Office Public Affairs and Information Staff (PAIS) Department Manager Eden Victoria C. Selva, mga empleyado at bisita, napatunayan ang pagkakaisang hindi matatawaran at serbisyong publiko mula sa mga tunay na may malasakit sa kapakanan ng mga Pilipinong magsasaka.
- Log in to post comments